Ang kantang ito ni Gloc 9 na pinamagatang "Sirena" ay nagpapakita ng pagiging mapanghusga ng lipunan pagdating sa mga bading.
Nagsimula ito sa koro na nagbubuod sa nararamdaman at nararanasan ng isang bading mula sa lipunang kanyang kinalalagyan. Inihalintulad niya ang kanyang sarili sa isang sirena, isang imahen nang babaeng isda. Maaaring masabing inihalintulad niya ang kanyang sarili sa sirena dahil una, marahil ito sa panlulunod na ginagawa sa kanya ng kanyang ama upang maging lalaki siya at ikalawa, dahil tulad ng sirena isa siyang babae na nakulong sa katawan ng lalaki (para sa sirena, babaeng nakulong sa katawan ng isang isda.) Dahil dito, masasabing hindi buo ang kanyang pagkababae dahil kailanman tulad ng isang sirena hindi siya magkakaroon ng vagina na mayroon ang isang babae.
Sa pagsunod ng unang saknong ng kanta, ikinuwento ng personang bading ang kanyang karanasanan mula noong bata pa lamang siya. Isinasalaysay niya kung paano niya nadiskubre ang kanyang katauhan o pagkakakilanlan sa pamamagitan ng mga hilig niyang gawin o laruin. Ngunit sa parteng ito rin, sinimulang nang isinalaysay ng persona ang kanyang nararanasan na pagmamalupit mula sa kanyang ama dahil sa hindi nito matanggap ang kanyang pagiging pusong-babae.
Kasunod ng unang saknong at koro ay ang ikalawang saknong na tulad ng unang saknong ay paglalahad ng personang bakla ng kanyang karanasan sa buhay ngunit sa pagkakataong ito ay binata na siya. Mula rito, isinasalaysay ng persona na hindi lamang larong pambabae ang ginagawa niya ngunit nagsimula na siyang maakit sa kaparehong kasarian o sa mga lalaki lalo na sa mga lalaking naglalaro ng basketball. Ngunit sa paglala ng kanyang pagiging babae, lalo lang lumayo ang loob ng kanyang ama sa kanya. Kung dati'y binubugbog lamang siya ng kanyang ama sa pamamagitan ng suntok at paglulunod, ngayon, pinapalo na siya ng tubong kinakalawang. Maliban dito, marami na rin ang nanghuhusga sa kanya dahil sa kakaiba niyang kilos.
Sa dalawang saknong na ito, kapansin pansin ang detalyadong paglalarawan ng persona upang lalong maiisip ng mga nakikinig kung anong klaseng tao siya at maging ang pagmamalupit na ginagawa sa kanya. Kapansin pansin din ang paghahalintulad niya ng kanyang puso sa isang pilik matang kulot dahil tulad ng pilik mata, mas madalas mo itong ipitin, mas lalambot ito o mas lalong babaluktot. Sa paggamit ng pilik mata na tanging babae lamang ang nagkukulot ay mas nabibigyang diin ang kanyang pagiging bading dahil sa pagkagusto niyang maging babae.
Bilang katunayan ng pagiging mapanghusga ng lipunan pagdating sa mga bading, isang halimbawa ang meme sa kanan. Mas pinapaniwalaan ng mga tao na mayroong salamangkero sa totoong buhay kaysa maniwalang bakla ang isang karakter.
Sa kabila naman nito, ang ilan sa mga bading na sadyang kahanga hanga sa lipunan ay sina Vice Ganda at Boy Abunda (mula sa kaliwa). Pareho silang nagmula sa hirap ngunit nabangon ang sarili at pamilya dahil sa aking talento.
Sa kabila naman nito, ang ilan sa mga bading na sadyang kahanga hanga sa lipunan ay sina Vice Ganda at Boy Abunda (mula sa kaliwa). Pareho silang nagmula sa hirap ngunit nabangon ang sarili at pamilya dahil sa aking talento.